Nasawi ang isang babae na nakilalang si Ginalyn Pancho matapos malunod sa San Fabian beach. Nakita ang katawan ng biktima sa dagat at sinubukan pa itong i-revive pero huli na rin ang lahat.
Ayon sa report, mag-isang nagpunta sa San Fabian beach ang biktima na taga-Barangay Poblacion, Urdaneta City.
Bago ang insidente, nag-iwan ang biktima ng isang sulat sa kanilang bahay. Laman ng sulat na pupunta siya sa San Fabian beach. |Contributed Photo
Â