Itinakbo sa ospital ang dalawang katao na nailigtas mula sa pagkalunod sa Estanza Beach, Lingayen, Pangasinan. Pero ang masaklap, hanggang ngayon nawawala ang dalawang babaeng tinangay umano ng alon sa dagat.
Nauwi nga sa trahedya ang bonding ng magkakaibigan sa Estanza beach kaninang tanghali matapos ang insidente ng pagkalunod.
Patuloy na hinahanap ang dalawa, umaasa ang kanilang pamilya na buhay pa rin sila.
Paalala ng awtoridad na mag-ingat sa paliligo sa dagat. | Leanna Veloso