LALAKI, PATAY MATAPOS PAGSUSUNTUKIN SA PANGASINAN!

LALAKI, PATAY MATAPOS PAGSUSUNTUKIN SA PANGASINAN!
Nagluluksa ang pamilya ng 30-anyos na lalaking nakilalang si Samuel De Vera na taga-Barangay Bolosan, San Carlos City, Pangasinan.
Unang na-comatose hanggang mamatay ang biktima matapos umanong pagsusuntukin ng tatlong lalaki sa labas ng isang restobar.
Nakuhanan ng CCTV ang pag-abang ng grupo ng lalaki sa biktima. Unang sinuntok ang biktima at natumba. Pero kahit natumba na siya, tuloy-tuloy pa rin siyang pinagsusuntok ng mga suspek.
Batay sa imbestigasyon ng Pulisya, mag-isang nag-inom ang biktima sa restobar. Nang malasing, nagsisigaw umano siya at naghahamon ng away. (Batay po ito sa imbestigasyon ng San Carlos City Police)
Hanggang sa bugbugin na siya sa labas ng restobar. Nahuli na ng pulisya ang dalawang lalaking nakitang nanuntok sa biktima habang patuloy na pinaghahanap ang isa pang nakatakas.
Hustisya ang sigaw ng kaanak ng biktima. Itinanggi ng mga kaanak na naghamon ng away ang biktima sa restobar. 📷| Contributed Photo

Related Posts

JUST IN: MAY MUNTIKANG MALUNOD SA BINMALEY BEACH, NGAYON LANG!

  Napunta sa malalim na bahagi ng dagat hanggang sa muntikan nanf malunod ang isang naliligo sa Binmaley beach sa Pangasinan. Agad siyang sinaklolohan para dalhin sa…

BATANG DINUKOT NG ISANG LALAKI, NATAGPUANG NAMAMALIMOS SA KALSADA!

  March 17 nang mapaulat na nawawala ang limang taong gulang na si Ally Dela Cruz. Nakita sa CCTV Footage na dinampot siya ng isang lalaki at…

MAG-INA NA UMUWI SA PILIPINAS, PINATAY NG SARILING KAANAK DAHIL SA INGGIT?

Naging malagim na trahedya ang pagbabakasyon sa Pinas ng mag-ina na si Lorry, 54-anyos at Mai Motegi, 26-anyos. Galing silang Japan. Natagpuang patay ang mag-ina at nakabaon…

9-TAONG GULANG NA BATA SA PANGASINAN, NANGANGAILANGAN NG TULONG MATAPOS TAMAAN NG MALUBHANG SAKIT

Sana matulungan nating gumaling ang batang ito.  Para sa isang magulang, wala nang mas sasakit pa na makitang malubha at pinapahirapan ng sakit ang kanilang anak. Siya…

LALAKI, NAAKSIDENTE AT NATUSOK PA SA MGA BAKAL!

Kalunos-lunos ang sinapit ng lalaking ito. Makikita sa mga larawan na nakahandusay siya habang nakatusok sa katawan niya ang mga bakal na gamit sa kontruksyon ng kalsada….

JUST IN: BABAE, PINAGSASAKSAK HABANG SAKAY NG MOTORSIKLO SA MANGALDAN, PANGASINAN!

  Agad rumesponde ang mga pulis sa babaeng pinagsasaksak umano habang sakay ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Salay, Mangaldan, Pangasinan ngayong gabi lang. Nakasubsob na ang…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *