Nasawi ang walong taong gulang na bata matapos siyang pagsusuntukin at bugbugin ng kanyang sariling ama.
Dinala pa sa ospital ang bata pero dalawang araw lang ang lumipas, namatay rin ang bata.
Ayon sa pulisya nagalit ang ama dahil nagreklamo ang kanyang anak nang utusan ng isa pang alak
Naghihinagpis ba umuwi ang ina ng bata na mula pa ng Maynila. Ililipad na sana siya sa ibang bansa para magtrabaho
Hawak na ng pulisya ang ama. Ayon sa pahayag ng suspek, nagdilim ang kanyang paningin ng magreklamo ang anak ng utusan niya.| Contributed Photo