Naka-confine sa ospital ang isang taong gulang na bata na nakilalang si Alvina Rosete matapos malapnos ang katawan nang mabuhusan ng kumukulong tubig sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sonson Ongkit, Mangatarem, Pangasinan.
Kwento ng ama ng biktima, inilapag ang mainit na tubig sa kusina na gagamitin sana sa pagtimpla ng kape…. pero aksidente raw itong natabig at bumuhos sa kanilang anak.
Matinding lapnos sa mukha, balikat ang dibdib ang tinamo ng biktima.. nanawagan ng tulong ang pamilya ng biktima na nakatakdang magdiwang ng kaarawan sa linggo, January 28.
400 pesos kada araw ang kita ng ama ng bata na isang kargador. Hindi sapat para maipagot ang biktima.
Sa mga gustong tumulong maaring makipag-ugnayan sa pamilya ng bata. NICO ROSETE- GCASH 0960-409-6361