15-ANYOS NA ESTUDYANTE, PATAY SA HIT AND RUN SA STA. BARBARA, PANGASINAN

Kung sinuman ang nakakaalam sa naka-hit and run sa kanya, please maawa ka sa pamilya niya. Sobra-sobra silang nagdadalamhati 
 
Nauwi sa disgrasiya ang bonding ng magkakamag-anak mula Barangay Botao, Sta, Barbara, Pangasinan.
Habang sakay ng tricycle at pauwi na galing sa isang salo-salo, bigla silang nasalpok ng kotse sa kahabaan ng Barangay Tebag East….
Sa lakas ng impact… tumilapon ang biktimang si Marjorie Valencia, 15-anyos, ang masaklap nasagasaan pa siya ng isang SUV. Sinubukan pa siyang dalhin sa ospital pero idineklarang dead on arrival.
Sugatan naman ang limang iba pang sakay ng tricycle kabilang ang pitong taong gulang na kapatid. Ang kotse na nabangga sa tricycle at ang SUV na nakasagasa sa biktima, parehong tumakas.
Ayon sa PNP, nahagip ng cctv ang mga sasakyan bago mangyari ang insidente. Pero hirap matukoy dahil mabilis ang patakbo.
Nanawagan ng tulong ang pamilya ng biktima. Maraming pangarap sa buhay si Marjorie na biglang naglaho dahil sa nangyaring ito.

Related Posts

JUST IN: MAY MUNTIKANG MALUNOD SA BINMALEY BEACH, NGAYON LANG!

  Napunta sa malalim na bahagi ng dagat hanggang sa muntikan nanf malunod ang isang naliligo sa Binmaley beach sa Pangasinan. Agad siyang sinaklolohan para dalhin sa…

BATANG DINUKOT NG ISANG LALAKI, NATAGPUANG NAMAMALIMOS SA KALSADA!

  March 17 nang mapaulat na nawawala ang limang taong gulang na si Ally Dela Cruz. Nakita sa CCTV Footage na dinampot siya ng isang lalaki at…

MAG-INA NA UMUWI SA PILIPINAS, PINATAY NG SARILING KAANAK DAHIL SA INGGIT?

Naging malagim na trahedya ang pagbabakasyon sa Pinas ng mag-ina na si Lorry, 54-anyos at Mai Motegi, 26-anyos. Galing silang Japan. Natagpuang patay ang mag-ina at nakabaon…

9-TAONG GULANG NA BATA SA PANGASINAN, NANGANGAILANGAN NG TULONG MATAPOS TAMAAN NG MALUBHANG SAKIT

Sana matulungan nating gumaling ang batang ito.  Para sa isang magulang, wala nang mas sasakit pa na makitang malubha at pinapahirapan ng sakit ang kanilang anak. Siya…

LALAKI, NAAKSIDENTE AT NATUSOK PA SA MGA BAKAL!

Kalunos-lunos ang sinapit ng lalaking ito. Makikita sa mga larawan na nakahandusay siya habang nakatusok sa katawan niya ang mga bakal na gamit sa kontruksyon ng kalsada….

JUST IN: BABAE, PINAGSASAKSAK HABANG SAKAY NG MOTORSIKLO SA MANGALDAN, PANGASINAN!

  Agad rumesponde ang mga pulis sa babaeng pinagsasaksak umano habang sakay ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Salay, Mangaldan, Pangasinan ngayong gabi lang. Nakasubsob na ang…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *