Namatay ang walong buwang gulang na sanggol na Kesha Kate matapos siyang ihagis ng kanyang sariling ama sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa imbestigasyon ng Pulisya, natutulog sa duyan ang sanggol nang bigla itong kunin ng kanyang ama na si Angelo Malit. Pero bigla na lang ibinalibag ng ama si Baby Kesha.
Agad kinuha ng ina ang sanggol sa sahig, pero hindi na ito gumagalaw at humihinga hanggang sa tuluyang namatay ang bata. Hindi rin agad naitakbo sa ospital ang bata dahil malayo sila.
Nahuli ng mga pulis ang suspek na nakainom umano nang mangyari ang krimen. Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng ama.
Noong 2019, ang panganay nila na isang taong gulang ang inihagis ng ama. Ilang araw ang nakalipas, namatay rin ang panganay na anak. |Michelle Saban