Naging malagim na trahedya ang pagbabakasyon sa Pinas ng mag-ina na si Lorry, 54-anyos at Mai Motegi, 26-anyos. Galing silang Japan.
Natagpuang patay ang mag-ina at nakabaon sa ilalim ng lupa. Nangyari ito sa loob mismo ng compound ng kapatid ni Lorry kung saan sila nakituloy sa Tayabas City.
Napansin umano na malambot ang lupa kaya ito hinukay at dito nakita ang kalunos-lunos na mag-ina. Nawawala rin ang maleta ng mag-ina kung saan nakalagay ang kanilang pera na gagamitin sana sa pagbili ng property.
Kamakailan, nahuli na ang itinuturing suspek sa krimen na kapatid mismo ni Lorry. Inggit at pagnanakaw sa pera ng mag-ina ang nakikitang dahilan ng pagpatay.
Nakita na rin ang ilang gamit ng mag-ina gaya ng Maleta. Iniimbestigahan pa kung paank pinatay ang mag-ina. | Contributed Photos