Sana matulungan nating gumaling ang batang ito.
Para sa isang magulang, wala nang mas sasakit pa na makitang malubha at pinapahirapan ng sakit ang kanilang anak.
Siya si Gabriel Dave Gorbolo, 8 years old mula sa Barangay Leet, Sta. Barbara, Pangasinan. Sa murang edad, tinamaan na siya ng Severe Aplastic Anemia, isang malubhang sakit sa dugo.
Naka-confine siya ngayon sa Baguio City General Hospital. Nangangailangan siya ng tulong para sa kanyang gamutan.
Ayon sa kanyang ama na si Bryan, October 2023 nang magsimulang makaranas ng sakit ng ulo si Gabriel Dave. Inakalang dengue ito. Hanggang sa makumpirma noong December 2023 na malubha na pala ang sakit ng bata.
Hindi sapat ang kinikita ng kanyang ama at ina para tustusan ang kanyang gamutan. Umeekstra lang sa construction ang kanyang ama, habang walang trabaho ang kanyang ina.
Grade 3 student siya at pangarap niyang maging pulis. Magdiriwang siya ng kaawaran sa March 23.
“Ako ay patuloy na lumalapit sa inyo upang humingi ng Blood Donor.Ang akin pong anak ay kasalukuyang naka confine dto sa Baguio General Hospital and Medical Center. Siya ay nadiagnose na may Aplastic Anemia Severe. Isang rare but serious blood disorder na nangangailangan ng palagiang pagsasalin ng dugo.Kailangan na kailangan po ng blood donor sapagkat patuloy po ang pagbaba ng platelet .Muli ako ay lumalapit po sa inyo.” – Divine Grace Gorbolo
Sa mga gustong tumulong,
GCASH: 0906-574-8414
Bryan Gorbolo, Ama ng bata