LALAKI, PATAY MATAPOS PAGSUSUNTUKIN SA PANGASINAN!
Nagluluksa ang pamilya ng 30-anyos na lalaking nakilalang si Samuel De Vera na taga-Barangay Bolosan, San Carlos City, Pangasinan.
Unang na-comatose hanggang mamatay ang biktima matapos umanong pagsusuntukin ng tatlong lalaki sa labas ng isang restobar.
Nakuhanan ng CCTV ang pag-abang ng grupo ng lalaki sa biktima. Unang sinuntok ang biktima at natumba. Pero kahit natumba na siya, tuloy-tuloy pa rin siyang pinagsusuntok ng mga suspek.
Batay sa imbestigasyon ng Pulisya, mag-isang nag-inom ang biktima sa restobar. Nang malasing, nagsisigaw umano siya at naghahamon ng away. (Batay po ito sa imbestigasyon ng San Carlos City Police)
Hanggang sa bugbugin na siya sa labas ng restobar. Nahuli na ng pulisya ang dalawang lalaking nakitang nanuntok sa biktima habang patuloy na pinaghahanap ang isa pang nakatakas.
Hustisya ang sigaw ng kaanak ng biktima. Itinanggi ng mga kaanak na naghamon ng away ang biktima sa restobar. | Contributed Photo