Siya ang pitong taong gulang na Jhonalyn Alpuerto. Masayahin, madaldal at punong-puno ng ngiti si Jhonalyn.
Kaya ganun na lang ang paghihinapis ng kanyang magulang. Natagpuang patay ang batang si Jhonalyn sa isang bakanteng lote sa
May mga sugat sa katawan at iginapos pa ang kawawang bata. Ayon sa report, pauwi na sana si Jhonalyn kasama ang isa pang batang babae.
Nakasalubong nila sa daan ang isang bente tres anyos na lalaki. Bigla na lang hinarang at sinuntok ng lalaki ang biktima. Maswerteng nakatakas ang kasamang bata.
Sumuko ang suspek at umamin sa ginawang krimen. Ayon sa suspek, nagdilim umano ang kaniyang paningin nang mapagkamalan niyang manika ang mga bata.