Sa tulong ng mga saksi, matibay ang ebidensiya sa 32-anyos na si Jessie Soriano na itinuturing na suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa Barangay Balangobong, Lingayen, Pangasinan.
Pinatay at ginahasa ng suspek ang PSU 3rd year college student na Alyssa Bolasoc, 21-anyos.
Nakakulong na ang suspek na inamin ang ginagawang pananakal sa biktima. Inamin din niya na siya ang naghubad sa pang-ibabang damit ng biktima pagkatapos niyang sakalin.
Humihingi ng sorry ang suspek sa pamilya ng biktima. Lasing lang daw siya nang mangyari ang krimen. Aminado rin siyang matagal nang may lihim siyang pagtingin sa biktima.
Ayon sa Pulisya, noong gabi na mangyari ang krimen. Pumunta ang biktima sa bahay ng kanyang lola dahil doon siya natutulog gabi-gabi. Pero inabangan siya ng suspek.
Maraming nagsabi na bago ang krimen, nakita nila ang suspek na umiinom ng alak sa isang tindahan kasama ang dalawang lalaki.