Walang kasing sakit para sa isang pamilya ang mawalan ng mahal sa buhay, kaya labis ngayong naghihinagpis ang mga kaanak ng binatilyong namatay dahil sa aksidente sa Mangaldan, Pangasinan kaninang umaga.
Sumalpok ang minamanehong motor ng biktima sa isang poste ng kuryente. Sa lakas ng impact, tumilapon at bumagsak sa kalsada ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Pero ang palaisipan ngayon, bago ang insidente naikwento niyang napanaginipan niyang mamamatay siya.
Sa chat message ng biktima, sinabi niyang malapit na siyang kunin ni Lord dahil nanaginip siya kagabi.
Nagbigay siya ng premonisyon na mawawala na siya, nangyari ba talaga ang panaginip niya o nagkataon lang?
Condolence po sa naiwang pamilya ng biktima. Ang aking taos-pusong pakikiramay.