NANAWAGAN SILA NG TULONG PARA MABAYARAN ANG PUNERARYA
Sa isang iglap, nawalan ng minamahal na anak ang isang pamilya sa Barangay Zamora, Mangatarem, Pangasinan.
Namatay ang 19-anyos na si Edwin Caramillo Orines dahil sa heart disease. Apat na taon ding pinahirapan ng sakit si Edwin bago malagutan ng hininga.
Kumakatok ngayon ng tulong ang kanyang pamilya para mabayaran ang gastos sa funeral service na nagkakahalaga ng 35,000 pesos. Kapos ang pamilya kaya hirap itong bayaran.
“Magandang araw po kailyan Ako Po si Edwin Caramillo Orines na taga Brgy Zamora Mangatarem,Pangasinan nais ko po sanang ilapit ang Ang aking anak na si Erwin Orines sya po ay namayapa na noong February 7,2024 sa edad na 19yrs old.
Ako Po ay kumakatok sainyong mabubuting puso, Ako Po ay humihingi po ng tulong pang financial para sa Kanyang Burol kahit maliit man na halaga ito ay malaking Bagay napo para makatulong sakanyang burol dahil kami po ay walang sapat n Pera upang mabayaran Ang kanyang service.“ Via| Mangatarem ang Bayan ko