Patay ang 33-anyos na si Dexter Dizu matapos mabangga ng motorsiklo ang minamaneho rin niyang motorsiklo sa national highway ng Barangay Bonuan Boguig, Dagupan City. Ang nakabanggang motorsiklo, minamaneho ng isang rider na kasali sa Boss Ironman Motorcycle Challenge…
Sa lakas ng impact, humandusay sa kalsada ang biktima at nagtamo ng mga grabeng sugat sa katawan. Sinubukan pa siyang dalhin sa ospital pero idineklarang dead on arrival.
Ayon sa pamilya, lumabas lang ang biktima sakay ng motorsiklo para bumili ng sigarilyo. Pauwi na siya nang mabangga ng rider na sumagi rin sa isang rider na kasama rin sa naturang motorcycle challenge.
Naulila ng biktima ang asawa at dalawang maliit na anak.
Humingi ng sorry at nagbigay ng 100,000 pesos ang nakabanggang rider sa pamilya ng biktima para aregluhin ang insidente.