Nasawi ang isang 39-anyos na lalaki na kinilalang si Crisanto Cristobal matapos makuryente sa Barangay Tempra-Guilig, San Fabian, Panngasinan.
Nangyari ang insidente sa terminal ng bus kung saan siya nagtatrabaho bilang konduktor.
Ayon sa report, nakita ng katrabaho nanakahiga at wala nang malay si Crisanto sa barracks. Hawak pa ng biktima ang live wire.
Iniimbestigahan ng pulisya kung aksidente nahawakan ng biktima ang kable ng kuryente o kung may foul play sa nangyari.