Labis ang paghihinagpis ng mga kaanak ng 31-anyos na si Aristotle Basa matapos masawi sa aksidente sa kahabaan ng Barangay Ambonao, Calasiao, Pangasinan.
Sa imbestigasyon ng Pulisya, nagkarambola ang tatlong sasakyan kabilang motorsiklong minamaneho ng biktima, isang kotse at isa pang motorsiklo. Nagtamo ang biktima ng mga grabeng sugat sa katawan na dahilan ng kanyang kamatayan.
Naghihinagpis ang kinakasama ng biktima na si Michell Santos lalot pinaplano na raw nilang magpakasal.
Nadaan sa areglo ang insidente. Paalala ng pulisya sa mga motorista, mag-ingat sa pagmamaneho sa lahat ng oras. Via| Claire Lacanilao