Mabilis ang kumakat ang apoy sa mga stalls sa tabi ng Minor Basilica ng Manaoag, Pangasinan bago mag-alas onse kagabi.
Sa laki ng apoy at dahil patulog na rin ang mga tao, walang naisalbang paninda ang mga nasunugan.
Kabilang sa mga naabi ang mga panindang religious items. Tumagal ng halos isang oras ang sunog.
Mabilis naman na rumesponde ang mga bumbero sa lugar para apulahin ang apoy. Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog. | LGU-MANAOAG