Naghihinagpis ang isang mag-asawa sa Samar sa biglaang pagkamatay ng kanilang tatlong taong gulang na anak.
Ang inaakala nilang ligtas kapag nasa bahay, kamatayan pala ang hatid.
Nasa loob ng banyo noon ang biktima nang biglang umiyak, sumbong niya sa kanyang papa tinuklaw siya ng ahas sa paa sa loob ng banyo.
Sinubukan pang dalhin sa albolaryo ang bata pero namatay agad habang nasa biyahe. Kulay itim at may dilaw daw ang ahas na tumuklaw sa bata.
Posibleng mabilis na kumalat sa katawan ng bata ang kamandag ng ahas kaya namatay ito kaagad. Paalala ng awtoridad, kapag natuklaw ng ahas paturukan agad ng anti-venom.