Nabulabog ang mga guro at estudyante sa San Leon Elementary School sa Balungao, Pangasinan dahil sa insidente ng pananaksak.
Ang 15-anyos na estudyante na pumunta lang sa paaralan para kumain kasama ang kapatid na nag-aaral doon. Sinaksak siya ng lalaking bigla na lang pumasok sa paaralan.
Ayon sa Pulisya, nagkahabulan pa. Tumakbo ang biktima para makaiwas sa pananaksak pero nahabol siya ng suspek sa loob ng palikuran.
Nagtamo ang biktima ng saksak sa katawan. Nakatakas naman ang suspek na nakilalang si John Macoi Fontaina na napag-alamang stepfather ng biktima. Patuloy pa rin ang imbestigasyon.