Sa mga magulang, kahit simpleng kalmot ao kagat ng pusa at aso sa mga anak, huwag pong balewalain.
Patay ang 11-taong gulang na si Jezriel Baltazar mula sa Barangay Bantay Insik, Sison, Pangasinan ilang araw matapos umanong makagat ng aso.
Kwento ng lola, huling linggo nang Enero nang unang makagat ng asong gala ang biktima. Nilapitan ng biktima ang aso hanggang sa bigla siyang kagatin malapit sa tenga…
Hindi na pinuturukan ng anti-rabies ang biktima pero nagpunta sila sa magtatandok.
Batay sa kwento ng kaklase, muling nakagat ang biktima ng aso nito lang Pebrero. Hindi ito nagsabi sa kanyang pamilya.
Nalaman lamang na rabies ang sakit ng bata nang dalhin ito sa ospital noong February 23 matapos makaranas ng lagnat at pananakit ng katawan.
Nagsagawa kaninang umaga ng malawakang rabies vaccination ang municipal agriculture office.